Kris Aquino oks maging manager ni Jillian Robredo

SA KANYANG programang Kris Tv sa ABS-CBN 2, sinabi ni Queen of All Media Kris Aquino na payag siyang maging manager ni Jillian Robredo, ang bunsong anak ng yumaong si Interior and Local Secretary Jesse Robredo.

Ito ay basta pumayag ang ina ni Jillian na si Atty. Leni Robredo.

“When your done with high school, I will be super happy to manage your career, basta payag ang mommy mo ha,” pahayag ni Kris.

Magugunitang, ibinuko ni Patricia Robredo, isa pang anak ni Sec. Jesse na gustong maging aktres ni Jillian at gustong sundan ang yapak ni Kris.

Sinabi ni Patricia na tinanong ni Jillian kung ilang taon si Kris noong mamatay ang daddy nitong si dating Senador Ninoy Aquino.

Si Jillian, ay katulad ni Kris na 12-anyos nang mawalan ng ama.

Sa programa pa ring Kris TV, ay pinasalamatan ni Kris si Jilian dahil naipaalala nito sa kanya kung gaano karami ang tinatamasa niyang blessings sa kanyang career.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply