Kunsintidor na LGUs sa iskuwater, ipakukulong

IPINANUKALA ng isang senador na ipakulong, pagmultahin at patalsikin sa puwesto ang mga mayor, gobernador at iba pang lokal na opisyal ng gobyerno na kumunsinti o nagpabaya sa pagtayo ng mga kabahayan sa tabi ng ilog, lawa at iba pang waterways.

Iginiit ni Senador Manny Villar na hindi dapat pinatatayuan ng bahay ang mga gilid ng ilog, lawa at iba pang waterways dahil nalalagay sila sa peligro tuwing panahon ng tag-ulan at bagyo dahil sa paglaki ng tubig doon.

Ani Villar, karamihan sa mga namamatay sa pagbaha ang  mga nakatira sa gilid ng ilog tulad ng nangyari sa Ormoc noong 1991, bagyong Ondoy noong 2009 at Cagayan de Oro City noong Disyembre 2011.

Sa pagbaha sa Metro Manila nitong nagdaang araw bunga ng walang tigil na pag-ulan dulot ng Habagat, sineryoso na ng gobyerno ang paggiba sa mga kabahayan sa gilid ng estero, kanal at iba pang waterways upang matayuan ng flood mitigating systems.

“The government sites that a major factor which caused the death of thousands during heavy flooding is the housing settlement of people in riverbanks, coastal and other hazardous areas. Authorities say that people live where they should have not, and that obstruction, caused by informal settlers putting up illegal structures or rich landowners encroaching on land such as riverbanks that allow natural drainage, should be removed to avoid such tragedies,”paliwanag ni Villar sa kanyang Senate Bill No. 2956.

Base sa panukala ni Villar na pinamagatan na “The Housing Ban Along Riverbanks Act of 2011, bawal nang magtayo ng bahay sa loob ng sampung metro mula sa gilid ng ilog, waterways at bodies of inland waters.

Hiningi ni Villar ang agarang pagkilos ng Senado sa nasabing panukala, alinsunod na rin sa hangarin ng administrasyong Aquino na mawalis ang mga naninirahan sa “danger zones” ng Metro Manila.

2 Comments

  1. yongjin yao

    August 16, 2012 at 7:32 am

    senator villar paano naman ang mga ilog na tinabunan mo at ginawang subdivision dapat ipakulong ka rin

  2. yongjin yao

    August 16, 2012 at 7:36 am

    anong parusa naman ang ibibigay mo sa mga developer na nagtabon ng ilog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>