Kuwalipikadong partylist ilalabas sa Setyembre

PIPILITING ilabas ng Commission on Elections (Comelec) ang listahan ng mga partylist groups na kuwalipikado sa 2013 elections matapos nila itong linising mabuti.

Ayon sa report, kabilang sa sasalain ng Comelec ang 43 partylist na nakaupo ngayon sa Kongreso.

Kung mapatutunayan umanong hindi sila marginalized o mahihirap na personalidad at hindi inirerepresenta ang sinasabi nilang sektor ay tatanggalin ang mga ito sa listahan.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, kailangang makumpleto na ang listahan para paghandaan nila ang filing ng mga certificate of candidacy simula sa Oktubre 1.

Tiniyak din ni Brillantes na walang dapat ikabahala ang mga nominadong partylist kung wala silang itinatago.

Aniya, sinisiguro lamang mabuti ng Comelec na ang nominado ng partylist ay tunay na kinatawan ng sektor na naghahangad makapasok sa Kongreso para sa ikabubuti ng sektor na kinakatawan nila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply