‘Kuwarenta’y Singko Na Kumakasa Pa’

HINDI raw nadalaw si Toni Gonzaga ng kanyang boyfriend na si Direk Paul Soriano nang maospital ito sa Medical City.

Sinubukan naman daw nito kaya lang, wala raw itong madaanan dahil baha raw sa lugar nila sa Paranaque dahil sa hanging Habagat.

Five years nang tumatakbo ang relasyon nina Toni at Direk Paul ata matatag pa rin. Wish niya na forever na sila na nga.

“Pray na lang siguro. Ang ipag-pray na lang kay Lord na maging maayos ang lahat,” sey niya.

-0o0-

ISANG natatanging konsyerto ang mapapanood sa bukas, Sabado (August 18) sa Zirkoh, Tomas Morato. Pangungunahan ito ni Allan K entitled Rock of AK’s kasama ang magaling na singing group na ‘The Company’. Magi-enjoy na kayo sa kantahan, tatawa pa kayo.

Nandiyan rin ang bagets actor na si Jake Vargas na magpapakilig sa mga kababaihan kasama ang Concert Heartthrob na si Michael Pangilinan.

Mabubuhay rin ang dugo ng mga kalalakihan kina Valerie Concepcion at sa Sexbomb Girls. Special participation dito ang King of Midnight show na si Kuya Germs.

-0o0-

TODO SUPPORT si Ogie Alcasid sa pagpapayat ng kanyang misis na si Regine Velasquez.

“Siyempre support ako, talagang … well nag-South Beach muna siya, siguro mga two months. Tapos ngayon gusto na niyang mag-work out.”

Pero kaaliw ang kuwento ng singer-actor tungkol sa planong pagwu-work out ng kanyang misis. Si Ogie kasi ang nag-enroll kay Regine sa gym.

“Kung anu-anong excuse ang binibigay sa akin. Sabi ko, ‘O na-enroll na kita, ha? Sasamahan kita bukas.’

“Sasagot siya, ‘Okay… tapos pag nandiyan na, sasabihin niya ‘Nilalagnat ako. Nilalagnat raw, pero panay ang Twitter. Sabi ko, ‘Nilalagnat ka pero Twitter ka ng Twitter! Then nung sumunod, ‘O, ni-resked kita. Pasasamahan kita.’ Kasi meron akong taping that day.” Pero sey raw ni Regine… ‘Meron ako, e. Nanghihina ako…’”

Hindi pa rin daw natutuloy ang pagwo-work out ni Regine sa gym dahil ang palusot naman ni Regine ay umuulan, may Habagat.

Dalawang shows ni Ogie ang magtatapos, ang ‘My Daddy Dearest’ hanggang bukas at ang ‘Pare at Pare’.

“Masaya kasi nga, I will have more time with my son at tsaka I have to finish my album also. Under Universal siya, tapos na siya. Mga bagong kanta, this year siya lalabas, tapos na siya halos, lahat gawa ko.

“It’s a very special album kasi next year is my 25th anniversary,” sambit pa niya.

Ang plano naman niya sa birthday niya this August 27.

“Meron akong golf tournament sa August 27 sa Capitol Hills, pero ano siya fund-raising so lahat ng maglalaro kailangang maglabas ng pera,” bulalas pa ni Ogie.

Para raw ito sa mga nasalanta ng nagdaang Habagat.

“For the Kapuso Foundation, for the typhoon victims.

Nakatutuwa ang pangalan ng golf tournament ni Ogie…

“Kuwarenta’y Singko Na, Kakasa Pa!”

Forty-five years old na si Ogie.

‘Yun na!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply