Kuya patay sa nalasing na bunso sa Cagayan

TODAS ang isang lalaki nang pagtatagain ng kanyang nakababatang kapatid sa Lasam, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Jose Arimbuyutan, 29, habang ang suspek ay si Jorem Arimbuyutan, 27, pawang ng Brgy. New Orlins, Lasam.

Sa imbestigasyon, nabatid na bago ang krimen ay masaya pang nag-inuman ang magkapatid kasama ang kanilang ama.

Nang malasing ay hinamon ng away ng biktima ang kapatid na agad namang kumuha ng itak.

Dala ng kalasingan ay hindi na kinilala ng suspek ang biktima na agad pinagtataga.

Sumuko naman si Jorem nang mahimasmasan sa nagawang krimen.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply