La Mesa dam naka-red alert status pa rin

KAHIT wala na ang bagyong Gener nananatili pa rin ang isang linggong red alert status ng La Mesa Dam.

Ayon kay George Mentin, Headworks Controller ng La Mesa Dam, nasa 79.74 meters ang tubig nito hanggang kanina ng tanghali.

Ang lebel ng tubig sa La Mesa dam ay malapit na sa critical spilling level na 80.15 meters.

Subalit sinabi ni Mentin na paunti-unti din naman bumababa ang tubig sa dam dahil ayon sa kanilang monitoring team kaninang umaga umabot lamang sa 79.78 meters ito.

Ito ay dahil mahina naman umano ang pag ulan sa areas ng La Mesa Dam.

Sinabi pa ni Mentin pinananatili ang red alert atatus dito para patuloy ang pagbibigay ng warning sa publiko partikular na ang abiso sa evacution center kung kinakailangang ilikas ang mga residenteng apektado sakaling lumampas ang tubig sa dam.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply