La Union back to normal matapos ang bagyo

NAGBALIK na sa normal ang sitwasyon sa lalawigan ng La Union ngayong nakalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Helen.

Sa kasalukuayan, nadaraanan na ang isang lane ng McArthur highway makaraang tumama ang landslide sa lugar.

Nakadaraan na rin sa lahat ng uri ng mga sasakyan ang Naguilan road matapos magsagawa ng clearing operations ang Department of Public Works and Highways (DPWH) kasunod ng isa pang insidente ng landslide.

Ang La Union ay isa lamang sa mga probinsya na nakaranas ng matinding pagbaha dulot ng Habagat at bagyong Helen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply