Labi ng kasamang piloto ni Robredo narekober na

KUMPIRMADONG narekober na ng diving team ang isa sa dalawang piloto na nawawala makaraan ang pagbasak ng Piper Seneca plane sa karagatan ng Masbate.

Ayon kay  National Defense Sec. Voltaire Gazmin,  isang katawan lamang ang kanilang na-retrieve sa loob ng eroplano ngunit hindi pa masabi kung sino sa dalawang piloto ang narekober.

Samantala, tiwala si Task Force Kalihim chief M/Gen. Eduardo del Rosario na magiging matagumpay ang plano nilang hatakin na lamang ng buo ang bumagsak na Piper Seneca plane sa karagatan ng Masbate, kung saan kasalukuyang na-trap ang dalawang piloto.

Ayon sa opisyal, nagawa na ng diving team na kinabibilangan ng mga Koreano at Filipino divers na matalian ang wreckage ng eroplano.

Sinabi pa ni Del Rosario na uunahin nilang i-secure ang labi ng mga biktima bago tuluyang hatakin sa dagat ang Piper Seneca plane.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply