Labi ni Capt. Bahinting nasa Cebu na

NAKARATING na ang labi ni Captain Jessup Bahinting sa Mactan-Cebu International Airport sakay ng private plane.

Nabatid na ang naturang private plane ay ipinahiram ng isang kaibigan ni Bahinting na isa ring may-ari ng flying school sa Lapu-Lapu City.

Kung ang bangkay ni Robredo ay nakalagay sa kabaong nang dalhin sa Naga City, ang bangkay naman ni Bahinting ay dumating sa Cebu na nakalagay sa isang black body bag lamang.

Dinala ang bangkay ng piloto sa St. Peter’s Memorial Homes sa Imus Avenue, Cebu City kung saan siya iburol habang nakatakdang ilibing sa bayan ng kanyang misis na si Margarita sa Ginatilan sa Lunes o Martes.

Si Bahinting ay nasawi makaraang bumagsak ang eroplanong sinasakyan kasama ang mga nasawi ring co-pilot nitong Nepalese na si Kshitiz Chand at si Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo na kapwa na rin narekober ang bangkay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply