Bangkay ni Robredo, 2 piloto natagpuan na

NAHANAP na ng mga rescuer and retrieval team ang labi ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo at mga piloto na sina Captain Jessup Bahinting at Nepalese Kshitiz Chand mula sa bumagsak na twin-engined Piper Seneca plane sa karagatang sakop ng Masbate ngayong umaga.

Ito ang inanunsyo kaninang umaga ng naging emosyunal na si Transporatation and Communidcations Secretary Mar Roxas sa isang press briefing, ilang oras matapos ang isinagawang diving operation sa pinagbasakan ng eroplano.

Natagpuan ng mga dayuhang technical divers ang bangkay ng kalihim sa may bukana ng eroplano habang ang bangkay naman nina Bahinting at Chand ay nakitang nakasubsob sa cockpit ng eroplano sa ilalim ng karagatan na may lalim na 180-feet.

Dakong 7:35 ng umaga nang matagpuan ang fuselage habang naiahon naman ang bangkay ni Robredo dakong alas 8:15 am.

“Airplane was inverted. In that configuration, two pilots are inside cockpit. Jess being a passenger, mas madaling ma-access,” pahayag ni Roxas.

Paubos na umano ang oxygen ng mga tech diver kaya inunang iangat paitaas si Robredo dahil mas madali itong maabot kaysa sa dalawang piloto bukod pa sa masikip ang kinauupuan ng mga ito.

Agad na ipinabatid kay Pangulong Benigno Aquino III at may-bahay ng kalihim na si Leni ang pagkakarekober sa bangkay ni Robredo.

Sa kasalukuyan, ang bangkay ni Robredo ay nasa Masbate pa pero sa lalong madaling panahon ay ililipad din ito sa kanyang hometown sa Naga City.

Sinabi rin ni Roxas na ang bangkay ni Robredo ay nasa “sensitive state” na, dahil ang katawan nito ay higit sa dalawang araw na nakakababad sa tubig.

“Jess was underwater for more than two days now so changes in pressure and atmosphere [will make preserving the body for transport] complicated,” dagdag pa nito.

Nitong Sabado lamang, bumagsak ang single-engine, four-seater Piper Seneca plane na nagdadala kay Robredo sa Naga City mula sa Cebu City sa karagatan ng Masbate matapos makaranas ng engine trouble.

Nakaligtas sa insidente si Jun Abrazado, ang aide ni Robredo.

Ayon sa awtoridad, ipagpapatuloy ang imbestigasyon matapos maiahon ang bangkay ng dalawang piloto.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply