Labi ni Robredo, iki-cremate

DESIDIDO ang pamilya ni Department of  Interior and Local Government (DILG) Sec. Jesse Robredo na i-cremate ang labi ng namayapang kalihim.

“‘Yun ang desisyon ng immediate family na i-cremate,” ayon kay Jun Lavadia, tagapagsalita ng pamilya Robredo.

Ito diumano ang napagkasunduan matapos mag-usap ang pamilya Robredo at mga opisyal ng Naga City at Malacañang, sabi ni Lavadia.
.
Iki-cremate ang labi ni Robredo matapos ang gaganaping state funeral para sa namayapang kalihim.

Maalalang hindi binuksan ang kabaong ng dating kalihim sa publiko dahil ang labi nito ay nasa advance stage of decomposition na ng matagpuan sa karagatan ng Masbate matapos bumagsak ang sinasakyang eroplano noong Agosto 18.

Sa Martes, Agosto 28, nakatakdang ilibing si Robredo.

Ayon kay Lavadia magkakaroon ng funeral mass sa Basilica ganap na alas 10 ng umaga. Isusunod naman  pagkatapos ang  state funeral na gaganapin sa Eternal Gardens at pagkatapos isusunod na yung cremation.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply