Labi ni Robredo ililipad pa-Maynila sa Biyernes

ILILIPAD sa Maynila ang labi ni Interior and Local Government Secretary Jesse Rebredo sa Biyernes, Agosto 24, para sa ilan pang araw na pagburol.

Base sa itinakdang public viewing na ipinalabas ng isang komite na binuo ng Malacañang para sa state funeral ni Robredo, ang labi nito ay iba-biyahe mula sa Naga City hanggang sa Malacañang Palace dakong alas 9:00 a.m. sa Biyernes ng umaga.

Nauna nang inanunsyo ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., na itinalaga ni Pangulong Noynoy na officer-in-charge ng Department of Interior and Local Government, ang isang state funeral para kay Robredo.

Nilagdaan naman si Pangulong Benigno Aquino III ang  Proclamation No. 460, para sa 6 na araw simula ngayon ang  Days of National Mourning.

Nakasaad din sa proklamasyon na ang watawat ay naka-half-staff sa loob ng anim na araw mula sa pagsikat at paglubog ng araw sa lahat ng government buildings at installations sa Pilipinas at maging ang iba pang may kaugnayan sa gobyerno na nasa ibang bansa.

Sa Naga, samantala, idineklra ang May 27, bilang araw ni Jesse Robredo.

Si Robredo ay ipinangak ng nabanggit na petsa taong 1958. Namatay ito noong nakaraang Sabado nang ang kanyang sinasakyang 6-seater na eroplano ay bumagsak sa karagatan ng Masbate.

Matapos ang halos 3 araw na puspusang search and rescue operation, ang bangkay nito ay natagpuan sa may karagatan na may 180 talampakan ang lalim nitong nakaraang Martes.

Ang labi ngayon ni Robredo ay nakaburol sa Naga City.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply