Labi ni Robredo nasa Naga City na

BAGO mag-ala-una ng hapon nang lumapag sa tarmac ng Naga City airport ang C130 plane na lulan ang labi ni Interior Secretary Jesse Robredo.

Gaya ng kanyang pangako, personal na iniuwi ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang labi ng namayapang miyembro ng Gabinete at kaibigan sa pamilya’t mga kababayan nito.

Sinalubong ang bangkay ng kalihim ng maybahay nitong si Atty. Leni Robredo at tatlong anak.

Nandoon din ang mga matataas na opisyal ng pamahalaan at nagkaroon ng isang arrival honors.

Nag-aabang naman sa labas ng paliparan ang mga kababayan ng kalihim na nakikiramay sa Pamilya Robredo.

Naka-half staff na rin ang bandila sa Naga airport.

Dinala ang bangkay ni Robredo sa punenarya Imperial para sa kaukulang aksyon.

Sinabi naman ng tagapagsalita ng pamilya Robredo na si Jun Lavadia, na ilalagak nila ang labi ng kalihim sa Archbishop’s Palace sa Naga City para sa isang burol na sisimulan mamayang alas-5:00 ng hapon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply