Labi ni Robredo sinundo ni PNoy; iuuwi sa Naga

DUMATING na sa Masbate si Pangulong Benigno Aquino III para sunduin ang labi ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo para iuwi ito sa kanyang pamilya sa Naga City.

Sakay ang Pangulo ng C-130 nang lumapag sa paliparan ng Masbate dakong alas-8:30 ng umaga.

Nabatid na matapos ipaalam ni Transportation and Communications Secretary Mar Roxas sa Pangulo na narekober na ang bangkay ni Robredo, kaagad na tinawagan ni Aquino ang maybahay ng kalihim na si Atty. Leni Robredo upang personal na ipaalam ang malungkot na balita.

Kaagad lumipad pa-Masbate ang Pangulo upang personal na asikasuhin ang pagdala ng labi ng kalihim sa bahay nito sa Naga City.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply