Labi ni Sec. Jesse Robredo balik Naga na

LUMIPAD na kaninang alas-8:15 ang eroplano na magdadala sa labi ni DILG Sec. Jesse Robredo pabalik sa Naga City.

Hinatid ang labi ni Robredo sa Villamor Airbase ng mga miyembro ng kabinete, kabilang si DOTC Sec. Mar Roxas.

Sakay din ng cargo plane ang mga miyembro ng pamilya ng kalihim.

Dalawang helicopter ang nagbigay seguridad sa funeral cortege mula Malakanyang hanggang Villamor Airbase maliban sa mga pulis at PSG na kasama sa funeral entourage.

Binigyang pugay ng mga militar at miyembro ng PNP si Sec. Robredo habang inililipat ang labi nito mula sa sasakyan hanggang sa eroplano.

Sa daan patungong Villamor sa dakong Buendia Flyover, nagbigay pugay din sa pamamagitan ng water salute ang iba’t-ibang BFP Firetrucks, Fire Volunteeers, Fil Chinese Rescue, Chinese Fire Volunteers bilang pagkilala sa kalihim kung saan nasa ilalim ng DILG ang BFP.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply