Lagman rumesbak sa mga anti-RH clergies

NANAWAGAN ngayon si Albay Rep. Edcel Lagman, pangunahing may-akda ng kontrobersyal na Reproductive Health bill na dapat kondenahin ang mga kasinungalingan ng ilang lider ng Simbahan upang tuwiran ng mahinto ang paninira sa naturang panukala.

“The lies of the clergy and lay allies against the RH bill must be condomized to prevent the spread of black propaganda, political intimidation and virulent malevolence. Congressmen and Senators must legislate for the general welfare based on verifiable realities, unperturbed by fear of hellfire or reprisals at the polls.”

Iginiit ni Lagman na bagama’t ginagarantiyahan ang malayang pamamahayag ay hindi ito lisensya upang manira at manakot lalo na sa mga mambabatas na susuporta sa RH bill.

“While the freedom of expression guarantees the Catholic hierarchy and its lay supporters to express their differing views on any pending legislation, propagating falsehoods and intimidating legislators constitute license not covered by the mantle of free speech.”

Bagama’t tutol ang simbahan sa RH bill ay hindi naman nila ipinapaliwanag ang pagkakaugnay ng populasyon at ng kahirapan na siyang sinusuportahan ngayon ng nakararaming Pilipino.

Wala, aniyang, katotohanan ang ipinahahayag ng Simbahan na ang “contraception is corruption” dahil ang totoo ang RH bill ay “anti-abortion” hindi lamang dahil ito ay iligal kungdi ito hindi pamamaraan ng tamang pagpaplano ng pamilya.

“The Church should not be alarmed by the listing of contraceptives as essential medicines because the complications arising from pregnancy and childbirth result in maternal and infant mortality which can be avoided by legal and medically-safe contraceptives.”

Samantala, nanawagan naman si House Asst. majority Leader at Davao Rep. karlo Alexei Nograles na ibasura na ng tuluyan ang RH bill.

Ito ay dahil, ang makikinabang lamang diumano ay ang mga multinational companies na gumagawa ng mga kontraseptibo at hindi ang mga Pilipino na nagbabayad ng buwis.

“Let us not look at our fellow Filipinos as mouths to feed but as persons with hands and feet and minds and souls who can be empowered to feed themselves, feed their families and help build our nation,” ayon kay Nograles

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply