Lagusan ng tubig sa Laguna de Bay, itatayo na

ITATAYO na ang sinasabing permanenteng solusyon sa pagbaha sa mga bayan at siyudad na nasa paligid ng Laguna de Bay.

Ang permanenteng solusyon na nagkakahalaga ng P5 bilyon ay ipinanukala ni Laguna Lake Development Authority (LLDA) General Manager Neric Acosta para sa  pagsasagawa ng 7.2 kilometrong spillway na siyang magiging bagong daanan palabas ng tubig sa Laguna de Bay patungo naman sa Manila Bay.

Batay sa plano, dadaan ang underground spillway sa Muntinlupa City, Sucat, Parañaque hanggang Manila Bay at matatapos sa loob ng dalawang taon.

Ang panukala ni Acosta ay kinatigan naman ni Laguna Governor Jeorge Ejercito at ng pamahalaang panlalawigan ng Rizal .

Gayunman, nilinaw ni Ejercito na iba pa ang proyektong ito kaysa sa sinasabing P352 bilyon na flood control master plan ng Department of Public Works and Highways (DPHW), na  nakapaloob ang planong konstruksyon ng 100 km road dike na magmumula sa Taytay, Rizal hanggang bayan ng Sta. Cruz sa Laguna.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply