Lahat ng manholes sa Quezon City tatakpan

MAY ipinasang resolusyon ang Quezon City council na naghihkayat sa engineering department ng lungsod na kumpunihin o lagyan ng taklip ang lahat ng open manholes sa siyudad.

“Open manholes can cause accidents if not repaired immediately. And it will cause much trouble to people and commuters when heavy rain falls unexpectedly,” pahayag ni Councilor Dorothy Delarmente, author ng nasabing proposed resolution.

Ilan naman sa mga QC councilor ang sumuporta sa naturang resolusyon na sabihan ang engineering department na lagyan ng takip ang mga problema sa open manhole sa Quezon City.

Sa ganitong pamamaraan, sinabi ni Delarmente at ng kanyang kapwa konsehal na mababawasan ang aksidente na maaring mangyari dahil sa bukas na manholes.

“Also, it should always be closed not only for people but also for motorists, to lessen vehicular accidents especially at night or if there is a typhoon.  And will teach irresponsible people who dumps their garbage in open manholes,” dagdag pa ni Delarmente.

Ang pagkukumpuni o bigyan ng kalunasan ang manholes sa QC ay malaki ang tulong kapag may bagyo o may malakas na pagbuhos ng ulan at para rin mapigilan ang pagbaha,” dagdag pa nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply