Lalaki arestado sa pananaksak

KULONG ang lalaki matapos ibalik ang pinagsasaksak sa lugar ng pinangyarihan nang tanggihan sa ospital ang biktima sa Malabon City kaninang madaling araw.

Nakilala ang suspek na si Jerry Baluja, 29, ng Longos ng lungsod.

Inoobserbahan naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Joseph Delos Niño, 39, ng Monumento, Caloocan City.

Sa pahayag ng saksing si Roberto Tabinas, 55, ng Valenzuela City, dakong alas-12:40 ng madaling araw, kinuha niya ang kanyang bisekleta na ipinarada sa C-4 rd., Longos ng lungsod at nakita ang suspek na sinasaksak ang biktima.

Sinita ng saksi ang suspek subalit inundayan ng saksak ang una na nagawang masalag hanggang sa magbuno at maagaw ang patalim.

Dinala ng suspek ang biktima sa Tondo Medical Center subalit sinabihan na dalhin sa ibang ospital na naging dahilan upang ibalik na lang ng una sa C-4 rd., Longos subalit nakita ng mga rumespondeng mga pulis na naging dahilan upang dakpin at dalhin si Delos Niño sa JRMMC.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo sa pananaksak.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply