Lalaki kritikal sa 2 akyat-bahay

KRITIKAL ang kondisyon ng isang lalaki matapos igapos, pagsasaksakin at nakawan ng dalawang akyat bahay sa Caloocan City kagabi, Agosto 23.

Inoobserbahan sa FEU hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Pedro Ballano, 38, ng Saint Bernadette st., Capitol Park, ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Renato Cruz, 43 ng Rose st., Camarin ng lungsod at isang hindi pa kilalang kasama.

Sa pahayag ng saksing si Dolito Paloca, 46 at kapitbahay ng biktima, dakong alas-6:30 ng gabi, ipinarada niya ang kanyang motorsiklo sa tapat ng bahay ni Ballano nang makarinig ng sigaw mula sa loob.

Nang tignan ay nakita niya ang mga suspek na papalabas ng bahay at nagmamadaling tumatakas.

Pumasok sa loob ng bahay si Paloca at nakita ang nakagapos na biktima na duguan na naging dahilan upang kalagan at dalhin sa hospital.

Natangay ng mga suspek ang P10,000 cash ng biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply