Lalaki nahagip ng van sa NLEX, dedo

PATAY ang isang kelot matapos mahagip ng van habang ang una ay tumatawid sa North Luzon Expressway sa Caloocan City, kagabi (Agosto 26_.

Dead on arrival sa Quezon City General Hospital sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Pio Lobrio, 68 ng MPV Hernandez St., Catmon ng lungsod.

Sumuko naman sa mga pulis si William Apolinario, 35 ng Dasmarinas, Cavite at driver ng Aluminum Van (POD-723).

Sa ulat, dakong alas-11 kagabi, naglakas loob na tumawid ang biktima sa NLEX hanggang mabundol ng dinadalang van ng suspek.

Tumilapon ang biktima na naging dahilan upang dalhin sa pagamutan, habang sumuko naman sa mga pulis ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply