Lalaking aarestuhin sa kasong rape, nagbaril sa sarili

IMBES magpahuli at makulong, nagbaril sa sarili ang isang lalaking huhulihin sana dahil sa kasong panghahalay sa sariling kasambahay sa Pangasinan nitong Huwebes ng umaga, Agosto 2.

Nagtamo ng isang tama ng bala sa kanang sentido at namatay noon din ang suspek na si Jimmy Tan, ng Barangay San Pedro East sa Rosales, Pangasinan.

Sa ulat ng Rosales PNP, nagbaril sa sarili ang suspek dakong alas-8 ng umaga sa loob ng kuwarto nito.

Nabatid na bago ang insidente ay isinisilbi ng mga miyembro ng warrant section ng Rosales PNP ang arrest warrant laban sa suspek.

Sa halip na lumabas at sumuko ay nagkulong ito sa kanyang kuwarto kaya ang humarap sa mga umaarestong pulis ay ang misis nito.

Pero habang nag-uusap, biglang umalingawngaw ang isang malakas na putok ng baril na nagmula sa itaas ng bahay.

Matapos sirain ang pintong nakasarado, tumambad sa kanila ang duguang ulo ng suspek katabi ang ginamit na baril.

Mismong ang kasambahay ng mag-asawag Tan na ayaw magpabanggit ng pangalan ang nagsampa ng reklamong panggagahasa laban kay Jimmy noong nakaraang taon at kanina lamang lumabas ang arrest warrant laban sa kanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply