Legion of Honor, igagawad kay Sec. Robredo

IGAGAWAD mismo ni Pangulong Benigno Aquino III ang Philippine Legion of Honor kay Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo, na pumanaw sa plane crash nitong Agsoto 18 sa Masbate..

Ayon kay Presidential Communications Group Secretary Ricky Carandang, ito ang pinakamataas na parangal na maibibigay ng Pangulo sa isang tao na hindi na kinakailangan pang dumadaan sa Kongreso at iilan lamang ang nakatatanggap ng ganitong pagkilala.

Binigyang diin ni Carandang na ang Legion of Honor na ibibigay kay Robredo ay dahil sa hindi matatawarang serbisyo na ginawa ng kalihim magmula pa noong alkalde ito ng Naga City

Sa mga oras na ito, nagpapatuloy ang huling misa para sa kalihim sa Basilica Minore de Nuestra Señora de Peñafrancia.

Kanina, inilgay na sa ibabaw ng casket ng kalihim ang mantel ng Our Lady of Peñafrancia kasama ang krus.

Si Robredo ay deboto ng Mahal na Ina.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply