Leni Robredo sa gobyerno

“NO, THANKS.” Yan ang matigas na sagot ni Atty. Leni Robredo sa panawagan na matalaga itong kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG), kapalit ng yumaong asawa na si Sec. Jesse Robredo.

Maaring may dahilan, pero sa kasalukuyan na kailangan ng bansa ang mga pinunong  mapagkakatiwa-laan at magtatrabaho nang maayos, dapat na sigurong tanggapin ng magandang ginang ang alok na posisyon.

‘Di kailangan na sa DILG ma-appoint ang may-bahay ni Sec. Robredo, maraming posisyon na maaring paglagyan sa kanya.

Ang mahalaga lamang ay maging miyembro ito ng pamilya ng Pangulong Noynoy Aquino.

Ang ‘presence’ kasi ni Atty. Leni sa gobyerno ay para mapanatili ang naiwang ‘legacy’ ni Sec. Robredo na magsisilbing inspirasyon ng mga li-der na nanunungkulan sa kasalukuyang administrasyon.

Tiyak na malaking ‘role’ ang gagampanan ni Atty. Leni sa repormang nais ni PNoy na isakatuparan sa kanyang mahigit tatlo pang taon sa Palasyo.

Illegal logging tuloy-tuloy!

Pakiwari natin, eh, niloloko ng liderato ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Ramon Paje ang sambayanan.

Bakit kanyo? Aba eh, ilang beses na itong nangako na pupuksain ang illegal logging operation sa bansa, pero bakit nariyan pa rin.

At saka mismong si Pangulong Aquino ang nag-utos na sa kanya na ‘putulin’ nang lubusan ang illegal logging operation.

Pero, bakit malala pa rin ang iligal na negosyong ito? At tanong eh, kaya ba talaga ni Sec. Paje ang  trabaho ng isang DENR top boss?

Ang ‘di  mapigil-pigil na illegal logging sa Mindanao ang dahilan ng madalas na pagbaha sa maraming lugar sa parte na ito ng bansa.

Matatandaan na ipinangako rin ni Paje na ipasasara ang mga sawmill o yaong mga wood processing plant sa Mindanao, pero ‘di naman nangyari. Kaya, ang resulta – tuloy-tuloy pa rin ang illegal logging.

Kung patuloy ang iligal na pagtotroso, ‘di lamang sa Kamindanawan kundi maging sa lahat ng sulok ng bansa, aba’y nanganganib ang Pinas sa ngitngit ng kalikasan.

Ngayon – kung patuloy ang illegal logging dahil, tila, binabalewala ito ng kasalukuyang liderato ng DENR, aba’y kailangan sigurong mag-isip ang Pangulo.

Dahil sa kabila ng kanyang utos na itigil ang iligal na negosyong ito pero patuloy pa rin, ang sisi riyan, eh, ang palpak na pamumuno ni Paje. Panahon na siguro Mr. President na maghanap ng bagong kalihim ng DENR.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply