Pagkamatay ng law student kinondena ng Lex Leonum frat

LUMABAS sa publiko at nagpahayag ng mariing pagkondena ang Lex Leonum Fraternitas, ang samahan ng mga abugado na  umano’y kinabibilangan ng itinuturong suspek o mga suspek sa pagkamatay ng San Beda law student na si Marc Andrei Marcos.

Sinabi ni Lex Fraternitas member Atty. Ariel Inton na ikinalulungkot at kinukondena nila ang nangyari at kailan man ay hindi umano nila ito kinukunsinti.

Nabubugbog na raw sila sa public opinion na naglulutangan kaya’t minabuti na nilang lumabas

Ayon sa grupo, nakikisimpatiya sila sa naiwang pamilya ng biktima laluna sa paghahanap ng mga ito ng hustisya

Naging matipid naman sila sa pagbibigay nang mas malalim na detalye ng insidente ng umano’y naganap na hazing noong nakaraang araw ng linggo

Gayunman umapela ang grupo sa pangunahing suspek na si Gian Angelu Veluz na lumabas na at harapin ang anomang dapat na harapin kaugnay sa kasong ipinupukol sa kanya at ng iba pang mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply