LGUs puwede nang umutang sa bangko, GFIs

PUWEDENG mangutang sa mga bangko at iba pang mga financial institutions ang mga lokal na pamahalaan na nagawaran ng Seal of Good Housekeeping (SGH) ng gobyerno, ayon sa Department of Interior and Local Government.

Ito ang kinumpirma ni  DILG Secretary Jesse Robredo matapos maglabas ng isang circular ang Bureau of Local Government Finance (BLGF) na isinama sa listahan ang SGH na magsisilbing garantiya ng bawat LGUs para makahiram ng pera sa mga bangko at iba pang financial institutions.

“We welcome this development because SGH is now being recognized by other national government agencies and other concerned sectors as an effective way to determine whether an LGU has good financial management, is ready to secure loans and pay for them,” ayon kay Robredo.

Ang SGH ay iginagawad sa isang local government units (LGUs) na walang kinakaharap na kaso sa  Commission on Audit, at sumusunod sa hinihinging requirement sa pagsasapubliko ng may 12 financial documents.

Ang bawat SGH awardees ay binibigyan ng insentibong pondo ng gobyerno mula P1million hanggang P7million para sa kanilang local na proyekto .

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply