Libel, perjury ikakasa ni Sano vs SBMA locator

PINAG-AARALAN na ng kampo ni SBMA Senior Deputy Administrator Stefani Sano ang paghahain ng libelo  at perjury laban sa isang locator ng SBMA na kumaladkad sa kanyang pangalan sa pagdinig ng Senado.

Sa isang statement, sinabi ni Sano na kanya ng kinukunsulta ang kanyang abogado kaugnay sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa umano ay pakikipagsabwatan niya sa Metroeastern at Amira upang maipasok sa Subic Bay Freeport ang may 420,000 toneladang inimportang bigas mula sa India.

Kasabay nito ay mahigpit na pinabulaanan ni Sano ang mga akusasyong binitiwan ni  Cesar Bulaon  ng Metro Eastern Trading Corporation na siya diumano ang namagitan upang ipagamit ng Metro Eastern  sa Amira na nag-importa ng bigas ang warehouse nito sa Subic.

“The statements are not true and I categorically deny the allegations. I, therefore, categorically deny that I introduced Amira company to Metroeastern, and that I suggested any of the things that Mr. Bulaon allegedly said to the Senate and the media. “Paliwanag ni Sano na sina Vincent Cuevas at Bulaon ay parehong investors sa Freeport at inimbitahan lamang siya sa isang pagpupulong ng dalawa noong 20 March 2012 kasama ang ilang
Indian businessmen na diumano’y mga kinatawan ng Amira company.

“I likewise, introduced myself and inquired into the purpose of the invitation to join the meeting. Mr. Protik Guha of Amira Group, who introduced himself to me, asked me to confirm that Mr. Bulaon’s  Metroeastern company  is a registered locator and if that company can do importations. I confirmed that Mr. Bulaon was a registered locator with a Certificate of Registration and Tax Exemption (CRTE), which allows them tax-free importation of certain items.”

Nilinaw pa ni Sano na ang kaniyang tanggapan ay walang ginampanang papel sa nabanggit na shipment ng nabanggit na bigas sa  SBMA warehouses

“There is nothing in that transaction that passed through my office or the Business and Investment Group. We do not even know that a shipment from a port user or a locator has been transacted with Port Operations Group. These transactions are processed by the Port Operations Group, from the issuance of permits, to the physical handling, warehousing and related paper work. “

Ang Kamara ay nakatakda ring magsagawa ng imbestigasyon  sa importasyong ito ng bigas matapos ihain ni Valenzuela Rep. Magtanggol Gunigundo ang isang resolusyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply