Libo-libo dumagsa sa prayer rally vs RH Bill

TINATAYANG libo-libong deboto ng Simbahang Katolika ang dumagsa sa isinagawang prayer rally na naglalayon ding tutulan ang kontrobersyal na Reproductive Health Bill (RH Bill).

Bandang alas 2:45 ng hapon, humigit kumulang sa 10, 000 na ang nagkakatipon sa Edsa Shrine para sa tinatawag na Prayer Power Rally Against the RH Bill kahapon.

Kabilang sa dumagsa ang mga kaparian, mga madre, religious groups at mga kabataang nanggaling pa sa iba’t ibang Archdiocese at Diocese sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.

Sa isinagawang programa sa Edsa Shrine kinakalampag ng mga nagkakatipon ang Malakanyang at mga mambabatas para ibasura ang kontrobersiyal na RH Bill.

Nagsigawan pa ang mga tao at nagbantang hindi nila iboboto sa darating na eleksyon ang mga pulitikong sumusuporta sa naturang panukalang batas.

Pansamantalang isinara ang westbound lane ng Ortigas Avenue mula Meralco hanggang Edsa gayundin asa eastbound lane mula Philippine Overseas Employment Administration (POEA) patungong Meralco.

Kahapon bandang alas 5:00 ng hapon pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle ang misa.

Matatandaang sa ipinalabas na circular ng Arsobispo, hinikayat nito ang lahat na makiisa sa pagtutol sa RH Bill.

Aniya, bukod sa pagpapahayag ng pagtutol, nais ipaliwanag ng Simbahang Katolika sa pamamagitan ng prayer rally kung bakit hindi dapat maisabatas ang RH Bill.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply