Libreng eye operations isinagawa ng DOH-ARMM

LUNGSOD NG KORONADAL, Agosto 28 (PIA) — Inilunsad kamakailan ang “Handog Hariraya” kung saan nagsagawa ng libreng pagpapaopera ng mga sakit sa mata ang Department of Health (DOH) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ayon kay DOH-ARMM Sec. Dr. Kadil Sinolinding Jr., patuloy silang nagkakaloob ng tulong sa pamamagitan ng ganitong aktibidad maging ang pamamahagi ng mga gamot sa mga residente sa iba’t-ibang bayan sa naturang rehiyon.

Dagdag pa dito, iprinisenta din ni Sec. Sinolinding ang bagong taktika ng panggagamot na matatapos lamang sa loob ng sampung minuto at walang iindahing sakit.

Nabatid na naging benepisyaryo ng libreng eye screening at operations kamakalawa ang mga residente ng Malabang, Lanao del Sur.

Kaugnay nito, abot sa 39 na pasyente ang naoperahan sa mata na karamihan ay sanhi ng katarata.

Samantala, isinagawa naman ng DOH-ARMM kaninang umaga ang libreng reproductive health services sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex sa lungsod ng Cotabato.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply