Libreng seedlings ibibigay sa mga binahang magsasaka

MAMIMIGAY ang Department of Agriculture (DA) ng libreng punla o seedlings sa mga magsasaka sa Luzon na nasalanta ng bagyong ‘Ferdie’ at ‘Gener’ at ng Habagat.

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso J. Alcala, agad nilang bibigyan ang mga nasabing magsasaka upang muli silang makapagtanim.

Makatatanggap din umano sila ng libreng crop insurance coverage na nagkakahalaga ng P10,000 bawat ektarya.

Aniya, bahagya lamang ang epekto ng nasirang 20,000 metriko tonelada ng palay at mababawi ito kapag naani na ang 180,000 ektaryang sumailalim sa ‘early planting scheme’ ng DA sa Central Luzon at Isabela.

Ang nasabing proyekto ay inalagaan naman ng National Irrigation Administration (NIA).

Siniguro rin ni Alcala na hindi kakapusin sa bigas ang mga mamamayan kahit pa kabi-kabila ang kalamidad.

Para mabawi ang mga nalugi, kukumbinsihin umano nila ang mga magsasakang magtanim ng third crop ng palay pagkatapos ng tinatawag na main season.

Gayundin, hindi na umano kailangang umangkat ng bigas o palay ngayong taon National Food Authority (NFA) dahil sapat naman ang ating suplay.

Aniya, may inani na ang mga magsasaka noong Marso na umabot sa 7.89 million metric tons (MT), at sapat iyon para sa pangangailangan ng mga Filipino.

Umaasa rin silang hindi na babahain ang mga susunod na pagtatanim at kung malasin man uli, may iba pa umanong substitute crops na pwedeng kainin ang mga Filipino tulad ng mais, kamote, saging na saba at iba pang rootcrops.

Bukod  dito, posible pa umanong sa 2013 ay makapag-export na ang bansa ng premium, fancy, aromatic, heirloom at organic rice.

Kikita umano tayo ng malaki dito kaya kung kapusin man ang suplay ng bigas at malamang na tumubo pa dahil mas mahal ang ating ilalabas kaysa sa ipapasok.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply