Lider ng Onad gang, timbog

ARESTADO ang isang madulas na lider ng pinaka-notoryus na gang na nag-ooperate sa Southern District  ng salakayin ng mga tauhan ng Paranaque Police ang kanilang hideout sa lalawigan ng Cavite kahapon.

Naganap ang pagsalakay dakong alas-3 ng madaling araw sa isang bahay sa Maragondon Cavite, kung saan himbing na himbing ang mga suspek na hindi na nagawang makapanlaban .
Nadatnan ng mga pulis na nakahiga pa ang lider ng Onad Gang na si Ronald Santiago at mga kasama nito na sina Aldrick Perez at Joseph Hilario.

Ayon kay Paranaque Police chief Senior Superintendent  Billy Beltran, pakay lamang umano ng mga pulis na arestuhin si Perez,suspek sa isang nakawan at panunutok ng baril noong Abril 4, sa Barangay Don Bosco sa Paranaque, subalit natiyempuhan lamang na naroon din ang kanilang lider na si Santiago.

Si Santiago umano ay pinaghahanap din dahil sa 15 warrant of arrest at nahaharap sa 41 kaso ng pagnanakaw, drug pushing, carjacking at gun for hire.

Isasailalim ang suspek sa inquest para sa illigal possession sa Paranaque,sa Tanauan Batangas para sa double murder, kaso sa droga sa DOJ, carjacking sa Las Pinas at lungsod ng Makati.

Sangkot din si Santiago sa shootout na naganap sa Makati City noong 2011 kung saan nakipagpalitan ng putok ang mga pulis sa isang grupo ng carjackers na ikinamatay ng isang pulis at ikinasugat ni chief inspector Jojo Savares.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply