Lider ng Pagare drug group, timbog sa PDEA

ISANG lider umano ng drug group at numero uno sa order of battle sa Ilagan City sa Isabela ang nasakote ng pinagsanib na puwersa ng  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Ilagan City Police Station ang nadakip sa inihaing search warrant laban dito noong Miyerkules, August 15, 2012.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang nahulintg suspek na si Amin Ismael y Dumadug alias “Pagare”, 29 anyos, cellular phone technician at residente sa Calamagui 1st, Ilagan City.

Si Ismael na sinasabing lider ng Pagare Drug Group sa Isabela ay inaresto sa bisa ng search warrant na inisyu ni Honorable Judge Isaac R. De Alban, Executive Judge of Regional Trial Court Branch 16 ng Ilagan City, Isabela at ipinatupad ng  PDEA Regional Office 2 (PDEA RO 2) sa pamumuno ni Director Juvenal Azurin at Iligan City PNP .

Nakumpiska kay Ismael ang may 11sachets ng shabu, ibat-ibang drug paraphernalia, bank deposit slips at mobile phone unit.

Pansamantalang nakapiit sa Ilagan City Provincial Jail si Ismael matapos sampahan ng kasong paglabag sa Sections 11 (Possession of Dangerous Drugs) at 12 (Possession of Drug Paraphernalia), Article II ng  Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply