Lifeguard sa Boracay, hahasain

DADAAN sa magkakasunod na pagsasanay ang mga life guard ng mga resort sa Boracay upang maging bihasa sa pagsagip sa mga nalulunod.

Ayon kay Red Cross Chapter Administrator Marlo Schoenenberger, nararapat na makasabay sa international standard ang ibibigay nilang training, kaya naging katuwang nila ang isang Australian lifeguard na si David Field sa gagawing pagsasanay.

Si Field na kasapi rin ng Australian Red Cross ay sinasabing nasa mahigt 30 taon nang dalubhasa sa pagiging lifeguard at life saver.

Tampok sa limang araw na bahagi ng pagsasanay ay ang life saving at survival techniques, at pagsagip ng taong nalulunod.

Makatatanggap ng certificate of attendance, certificate of
accomplishment, at pagkilala bilang mga certified lifeguards at water rescuer ang mga nasabing lifeguard.

Ang naturang training program ay bahagi rin ng safety services program ng Philippine Red Cross (PRC).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply