Lim, problemado sa basura sa Manila Bay

SAKIT ng ulo ngayon ng Manila City government ang santambak na basura sa Manila Bay na hindi pa nahahakot hanggang ngayon.

Ayon kay Manila Mayor Alfredo Lim, pinag-aaralan na nila kung saan nanggagaling ang mga basurang nagtambak sa Manila Bay.

Maliban sa mga basurang inabandona ng mga residente, may ilang basura rin doon na nakatambak na natangay din noong kasagsagan ng Habagat at bagyong Helen.

Ayon kay Mayor Lim, tone-toneladang basura ang nakatambak na nagiging problema ngayon sa lungsod.

Dahil dito, nais suriin ng House Commiittee on National Defense and Security ang P352-bilyon Flood Control Master Plan ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sinabi ni Rep. Rodolfo Biazon, kailangan matiyak na bago maisalya ang proyekto ay mabigyang konsiderasyon muna ang ilang mahahalagang bagay.

Ipinaliwanag ni Biazon na kailangang isaalang-alang muna ang Weather Pattern, Urbanization and Development sa lugar at ang paggawa ng trabaho at decongestion sa lugar.

Dapat din tiyakin na ang naturang pondo at proyekto ay dadaan sa mga lugar na madalas bahain at sa mga lugar na naapektuhan ng malawakang pagbaha noong nakaraang linggo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply