Limang dam nagpakawala ng tubig

NAGPAKAWALA ngayon ng tubig ang limang dam sa Luzon dahil sa pagtaas ng lebel ng tubig sa mga ito bunsod ng patuloy na pag-ulan

Ayon kay Gene Nievares, hydrologist ng PAGASA, binuksan ang isang gate ng Ipo Dam sa Bulacan pasado alas-7:00 ng umaga kanina.

Umakyat ang lebel ng tubig sa Ipo Dam sa 100.90 meters na mas mataas ng kaunti sa normal water level nito na 100.80 meters.

Patuloy na nagpapakawala ang Ambuklao Dam sa Benguet kung saan binuksan ang apat na gate, matapos na umabot sa 751.57 meters ang tubig dito na malapit na sa spilling level na 752 meters.

Bukod sa Ambuklao, patuloy din ang pagpapakawala ng tubig ng Binga Dam sa Benguet.

Lumagpas naman sa normal water level na 190 meters ang tubig sa Magat Dam sa Isabela kaya tatlong gate ang binuksan kaninang umaga.

Maging ang San Roque Dam sa Pangasinan ay nagpakawala rin ng tubig.

Inabisuhan naman ng PAGASA ang mga residente na naninirahan sa paanan ng La Mesa Dam sa Quezon City dahil sa malapit na ring umapa ang tubig dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply