Litrato ng lubak i-tweet o i-share sa FB – Palasyo

KUNG may makikita kayong lubak, i-share ito sa Facebook o i-tweet ang Malakanyang.

Ito ang proyektong inilunsad ng Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) kahapon upang mapadali ang mga kinauukulan na makakuha ng impormasyon ukol sa mga kalsada na may lubak pagkatapos ng ilang araw na pagbaha upang agad na makumpuni.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, humihingi ng tulong ang Malakanyang sa mga mamamayan na ipadala o ipagbigay-alam sa kanila sa pamamagitan ng social networking sites gaya ng Twitter at Facebook kung may maispatan na lubak o sira sa kalsada.

“Ipadala niyo po ’yan doon sa Twitter users. I-tag po natin ’yung PCDSPO tapos gamitin po natin ’yung hash tag na “lubak to normal” at ipapasa po namin ito agad sa DPWH para naman po magawan at maaksyunan na po nila.”

Una rito, nagsanib-puwersa ang PCDSPO at Department of Public Works and Highways (DPWH) para i-monitor ang mga lubak na kalsada na naiwan at nasira ng Habagat na nanalasa nitong nakalipas na linggo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply