‘Llamados humirit pa’

PAREHONG may James na pambato sina NBA Fil-Am coach Erik Spoelstra at si PBA 14-time champion coach Tim Cone.

Sa halftime ng laban ng Rain or Shine Elasto Painters at B-Meg Llamados kagabi ay sorpresang bumisita si Spoelstra sa dugout ng Araneta Coliseum na kinaroroonan ng tropa ni Cone.

Binitbit ni three-time NBA MVP LeBron James ang Miami Heat sa kampeonato nakaraang season habang si James Yap ay pinasan ang Llamados upang manatiling buhay ang pag-asang masungkit ang titulo sa nagaganap na 2012 PBA Governors’ Cup Finals.

Nag-ala LeBron si Yap ng humarabas ng 30 puntos at tig dalawang rebounds at assists upang saltohin ang asam ng Rain or Shine Elasto Painters, 91-81 na makuha ang unang kampeonato sa loob ng anim na taong paglalaro sa nasabing liga.

Sa first half, ilang beses gustong kumawala ang Llamados subalit mahigpit ang pagkakakapit ng Elasto Painters.

Ang biglang pagsulpot ni Spoelstra sa dugout ng B-Meg ang naging inspirasyon ng Llamados upang iwanan ang RoS at makahirit ng Game 6 kung saan ay angat ang huli sa serye, 3-2.

Ayon kay Cone, magkakilala na sila ni Spoelstra bago pa kunin sina King James at Chris Bosh sa Miami.

Umalalay din sa opensa ng Llamados si import na si Marcus Blakely na may tinikadang 24 points, 13 boards at limang assists habang si Yancy De Ocampo ay nag-ambag ng tig 14 pts. at rebounds.

Bukas ng ala-6:45 ng gabi  ilalaro ang Game 6 ng B-Meg vs RoS best-of-seven series.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply