Lola, apo na pipi’t bingi patay sa sunog

NATUSTA nang buhay ang isang biyuda at maging ang apo nitong may kapansanan nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay-kubo sa Sorosogon kaninang umaga.

Halos hindi na makilala sanhi ng tinamong third degree burn sa mukha at sa buong katawan ang maglolang sina Rosita Jamon, 75-anyos at April Boy Ajedo, 9-anyos, isang pipi’t bingi at kapwa residente ng Barangay Bulabog, Sorsogon City.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-11:46 ng umaga sa tinutuluyang kubo ng maglola.

Ayon sa mga kapitbahay ng maglola, hinala nilang natumba ang kandilang may sindi at mabilis na nasunog ang bahay-kubo na gawa sa light materials.

Dahil may katandaaan na at may diperensya pa ang apo, hindi na nakalabas pa ang maglola sa kanilang bahay-kubo.

Ayon sa mga kapitbahay, bukod tanging walang kuryente ang bahay ng maglola sa kanilang lugar dahil na rin sa kahirapan at matagal nang gumagamit ng kandila tuwing gabi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply