Lola ninakawan muna saka pinatay sa sakal

CARRANGLAN, Nueva Ecija – Pinatay sa sakal ang 82-anyos na lola saka pinagnakawan ng hindi kilalang kawatan sa kanyang tinitirhan sa Sitio San Pablo, Barangay Joson.

Ayon sa Carranglan Police, nadiskubre ang malagim na sinapit ng biktimang si Leonicia Obra, ng mismong anak na si Mercedes Cardenas, 44, makaraang bisitahin ang ina na mag-isang naninirahan sa kanyang bahay.

Nabatid na pinuntahan ni Cardenas bandang alas-12 ng tanghali noong Lunes ang ina upang kumustahin ito ngunit laking gulat niya nang madatnang wala na siyang buhay.

May sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima partikular sa magkabilang braso nito at nakita rin ang nagmarkang kamay sa leeg ng biktima na palatandaang pinatay sa sakal.

Dahil dito ay agad na humingi ng saklolo sa Community Police Action Center sa naturang lugar ang biktima at sinabi ang sinapit ng ina.

Pagnanakaw ang nakikitang motibo sa krimen batay sa nasirang pinto ng kusina ng bahay na dinaanan ng suspek at ang pagkawala ng perang aabot sa P3,700 at ilang mga mahahalagang dokumento.

Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng salarin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply