Lolo nakaligtas sa ambush sa Pasay City

MASUWERTENG nakaligtas sa kamatayan ang 61-anyos na lolo nang tambangan ng isang armadong hindi nakilalang “rider” nang pagbabarilin ang nauna habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo sa mataong lugar malapit sa MRT Terminal kaninang tanghali sa Pasay City.

Nasa kritikal pang kondisyon sa San Juan de Dios Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa tiyan si Luisito Pineda, ng 172-3A P. Santos St., Malibay habang mabilis na tumakas ang suspek na sakay rin ng isang motorsiklo.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Cris Gabutin ng Investigation Section ng Pasay police, naganap ang pananambang alas-12:30 ng tanghali sa Andrew Avenue sa tapat ng MRT Terminal habang sakay ng kanyang motorsiklo (YK 9032) ang biktima.

Bigla umanong tinapatan ng suspek na sakay din ng motorsiklo ang biktima at kaagad na pinaputukan, gamit ang kalibre .45 baril sa hindi pa rin batid na motibo.

Nagkataon naman na napadaan din sa nabatid na lugar na pinangyarihan ang taxi driver na si Samuel Dasig kaya kaagad niyang isinugod ang biktima sa pagamutan.

Inaalam pa ng pulisya kung nahagip ng close circuit television (CCTV) camera sa naturang lugar ang pangyayari.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply