London Olympics: US basketball team kakatok sa semis

TINAPOS ng U.S. Olympic basketball team ang limang laro na walang bahid upang manguna sa Group A ng 30th Summer Olympic Games sa London.

Makahaharap ng All NBA stars U.S.A. ang No. 4 seed sa goup B Australia sa quarterfinals bukas ng alas-5:15 ng umaga habang ang No. 1 ranked sa grupo ng huli na Russia, (4-1) ay mapapalaban sa delikado at palaban na Lithunia.

Ang mga nakapasok sa last 8 ay ang France, (4-1), Argentina, (3-2) at Lithuania, (2-3) habang sa group B ay Brazil, (4-1) at Spain at Australia na may tig-3-2 win-loss slate.

Kapag nanalo ang U.S. team ay susunod nilang makahaharap ang mananalo sa pagitan ng Brazil at Argentina habang ang mananalo sa Russia at Lithuania ay makahaharap ang magwawagi sa France at Spain.

Sa huling laro ng U.S. team sa preliminary round ay tinalo nila ang tropa ni Manu Ginobili na Argentina, 126-87 subalit sa limang laro ay sa Lithuania lang nahirapan ang mga bigating NBA player.

Nanalo lang ng limang puntos ang U.S. sa Lithuanians, 99-94.

Sa halftime ng U.S. team at Argentina ay abante ng isang puntos ang una, 60-59.

Gaya ng ginawa sa Lithuania ay muling binuhat ni NBA three-time MVP LeBron James ang koponan ng mga Amerikano matapos manguna sa 19-7 run sa third canto.

Si Kevin Durant nag-top scorer na may 28 puntos, pumangalawa si James na tumikada ng 18 pts. habang 17 markers si Chris Paul.

Pagkatapos ng lahat ng laro sa quarterfinals ay papasok ang mga nanalo sa semifinals kung saan ay apat na koponan na lang ang matitira para pag-agawan ang medalyang ginto sa basketball event.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply