London Olympics: USA hinablot ang overall medal count

NAUNGUSAN na ng United States of America (USA) ang China sa Gold medal tally ngayong umaga sa nagaganap na 30th Summer Olympic Games.

Nakalikom ang US ng 39 gold, 25 silver at 26 bronze medals at sa kabuuan ay may 90 na ang naiuuwi ng mga Amerikano.

Nalaglag sa segundo puwesto ang ilang araw ding namamayagpag sa unahan na China matapos makalikom ng 80 medals mula sa 37 gold, 24 silver at 19 bronze.

Inaasahang madadagdagan pa ang medalyang ginto ng U.S.A. dahil liyamado ng todo ang men’s at women’s basketball nila.
Kampanate naman ang Great Britain sa pangatlong puwesto hawak ang 52 na medalya mula sa 25G,13S at 14B habang pang-apat ang Russia na may 12 gold, 21 silver at 23 bronze medals.
May 12 gold medals din ang South Korea subalit lumanding ito sa panglimang puwesto dahil meron lang silang 25 medals sa kabuuan kumpara sa 56 ng Russia. ELECH DAWA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply