London Olympics: USA, Spain mag-aagawan sa ginto sa basketball

MULING magkikita sa basketball court ang United States of America (USA) at Spain para pag-agawan ang Gold medal sa pagtatapos ng 30th Summer Olympic Games sa London.

Tinambakan ng USA All-NBA stars ang Argentina, 109-83 habang nahirapan ang tropa ng magkapatid na Pau at Marc Gasol ng Spain para pataubin ang Russia, 67-59 sa semifinals.

Nagharap ang mga Amerikano at Kastila sa 2008 Beijing kung saan ay tinalo ng una ang huli, 118-107 sa Finals.

Matapos magtala ng triple-double sa quarterfinals ay humarabas na lang si three-time NBA MVP LeBron James ng 18 puntos at tig-pitong rebounds at assists upang ilapit ang USA sa back-to-back champion sa nasabing prestihiyong event sa buong mundo.

Si Kevin Durant ang nag-top scorer para sa US Olympic team na may 19 pts. habang 18 ang kinamada ni Carmelo Anthony.

Nakipagsabayan pa ang Argentinians na pinamunuan ni NBA cager Manu Ginobili sa first half dahil hindi makalayo ang mga Amerikano sa score, 40-47.

Sa third canto ay siniguro na nina James, Durant at Carmelo na hindi na makahahabol ang bansang nagpatalsik sa kanila sa 2004 Anthens Olympic semis.

Sumalpak ng 27 ang Team USA para tapusin ang third quarter sa score na 74-57 bentahe.

Samantala, naghahabol ang Spain sa Russia sa unang dalawang period, 20-31 subalit sa sinalpak na three-pointer ni Pau sa third period ang bumuhay sa mga Kastila para makahirit ng rematch sa Team U.S.A. bukas ng gabi.

Naitabla ng Spain ang score sa 46 papasok ng fourth canto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply