Love scenes nila ni Benjamin Alves pinababawasan ni Lovi Poe

NAALARMA si Lovi Poe sa dami ng love scenes niyang nakunan sa Guni-Guni kaya yung ibang eksena ay gusto niyang pabawasan.

Yung mga love scene nila ng bagong actor na si Benjamin Alves ay hindi basta-basta dahil bigay na bigay ang mag-partner.

Nung presscon ng Guni-Guni, nabanggit mismo ni Benjamin na hindi niya akalain na magagawa niya ito dahil baguhan lang siya. Magaling daw kasing umarte si Lovi kaya sinabayan niya ang pag-arte na ‘yon.

Katwiran naman ni Lovi kaya ginawa niya ang ganong eksena ay dahil sa parang nasasapian siya. Kailangan daw sa pag-arte ay tipong nawawala sa sarili.

Pero gusto ni Lovi na ma-edit out ang ibang eksena. Sobra-sobrang dami na raw kasi at grabe pa raw ang nagawa nila. Kailangan rin niyang protektahan ang sarili bilang aktres. Hindi naman siya sexy star, ano?

Hindi pa namin alam kung napanikluhod ni Lovi ang editor ng film at siyempre, ang producer ng movie na si Mother Lily Monterverde kung papayag ito.

ooo

Neil Ryan Sese hindi marunong mamili ng role
 
FIRST time na magkakaroon ng soap opera si Sen. Bong Revilla sa GMA 7, ang Indio, pero bongga agad ito dahil tipong historical pa ang dating. Bukod pa rito, super lalaking big named female stars ng GMA 7 ang makakasama niya sa movie.

Nangunguna na rito si Jennylyn Mercado, Maxene Magalona at dagdagan pa ng dalawang hottest stars ngayon ng network na sina Solenn Huessaff at Sarah Lahbati, di kaya magselos sa isa sa mga leading lady si Cong. Lani Mercado?

Balitang sa November ang start ng taping nang soap opera at sa January 2013 pa ipalalabas. Bagong saltang director sa GMA 7 din ang mamamahala, si Direk Dondon Santos, kaya maraming first ang matutunghayan sa soap opera ni Sen. Bong.

Kahit my soap opera, tuloy pa rin ang kanyang No.1 Sunday infotainment programa, ang Kap’s Amazing Stories featuring Living Planet. Tatalakayin ni Bong ang mga hayop at iba’ibang living things na nabubuhay ngayon sa Asia at Australia.

Pag sinabing Asia, hindi lang malamig, may mainit ding lugar na matutunghayan. Sa Australia naman ay may lugar rin doon na katamtaman ang klima. May disyerto rin doon na may kakaibang hayop na nabubuhay.

000

BIKTIMA si Neil Ryan Sese ng baha kaya hindi naka-attend sa huling presscon ng Guni-Guni. Nakatira kasi siya sa Marcos Highway na karaniwang binabahang lugar kapag sobrang lakas ng ulan. Bale second time na nangyari sa bahay niya ang pagbaha.

Ang manager niyang si Direk Maryo J. delos Reyes ang nagpahayag ng dahilan nang di pagsipot ni Neil sa general presscon ng Guni-Guni na lead stars rin sina Lovi Poe at ang baguhang actor na si Benjamin Alves na ipalalabas na simula sa August 22.

Alam ni Maryo J na ang talent niyang si Neil Ryan ay hindi marunong bumigo sa natanguang commitments. Galing  siya sa teatro at produkto ng Theater Arts sa University of the Philippines.

Natuwa nga si Neil nang huli naming makausap na binigyan siya ng malaking importansiya sa Guni-Guni kahit ang participation niya ay guest role lamang. Lumalabas siyang asawa ni Julia Clarete na kumupkop sa batang may kapansanan na nakakikita ng multo.

Sa trailer nga’y kasama rin siya at kasama pa rin sa ipinatawag na pictorial.

Malaking star na rin kasi si Neil ngayon ng GMA Network. Imagine kasama siya ngayon sa sisimulang soap na Haram. Kasama siya sa top lead headed by Dingdong Dantes at Kylie Padilla.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply