Lovi Poe, nahuhulog na raw ang loob kay Benjamin Alves

TULUY-TULOY na ang pagiging preacher ni Rep.Manny Pacquaio. Alam ba ninyong nagkaroon siya ng prayer rally kamakailan lang sa Araneta Colisem at ang Unang Hirit ng GMA 7 ang nag-announce ng kanyang activity na ito?

Dahil sa pagiging spiritual ni Manny, lalo siyang nalalapit sa masa. Bukod pa rito ay nakikita sa kanya ang pagiging makatao sa ngayon. Priority niya ang mga constituents niya sa Sarangani Province at alam ba ninyo na dalawang episode ng Manny Many Prizes ay di siya naka-attend dahil biglaang nagkaroon ng bagyo sa Saranggani?

May mga binahang lugar doon na sinaklolohan agad ng Pambansang Kamao.

Pero last Saturday ay nag-host na muli siya ng kanyang show. Di raw niya ito pababayaan dahil dito siya nagka- kawanggawa sa mga mahihirap sa pamamagitan ng pagbibigay niya ng puhunan para magsimula sila ng maliit na kabuhayan.

Pero di pinalad na manalo ng P1 million ang contestant last Saturday, bagkus nakapag-uwi lang ng P50 thousand. Kaya malaki rin ang ipinamigay niya sa audience para pamasahe na nagkakahalaga ng P200 thousand na hahati-hatiin nila.

Ngayong Saturday ay muling mamimigay si Manny ng jackpot prize na P1 million sa swerteng contestant.

000

Gladys Reyes, nag-walkout sa Pritong Game ng Game N’ Go ng TV5

NAKALOLOKA si Gladys Reyes dahil nag-walk-out siya sa nakakikilig na Pritong Game ng Game N’ Go ng TV5 na mapanonood tuwing Sunday noon at hosted by Joey de Leon at Edu Manzano at supported nina Shalania Soledad-Romulo, Gelli de Belen, Arnel Ignacio at Daniel Matsunaga.

Di natagalan ni Gladys sa Pritong Game last Sunday ang pagkuryente sa contestant pag nagkakamali. Na-shock si Gladys sa unang kuryente. Nagsabi siyang ayoko na! Kasama ni Gladys na matapang na natagalan ang contest si Bebe Gandanghari.

Kalaban nina Bebe at Gladys sina Alex Gonzaga at Alice Dixzon.

Natagalan nina Alex at Alice ang kuryente pero una silang naka-tree points kaya nanalo sila ng P15,000. Sina Bebe at Arnell ay nakapag-uwi lang ng P6,000.

Pagkatapos ng game, binigyan pa si Alice ng birthday cake at flowers bilang regalo sa kanyang kaarawan.

Pagkatapos ng game, di namin nakita si Gladys. Guest sila ng show at sumali sa games bilang promo ng kanilang bagong soap, ang Enchanted Garden na nagsimula na noong Monday a TV5 at mapanonood bago ang Wil Time Big Time. Kalaban nila ang dalawang news program ng GMA 7 at ABS-CBN 2.

000

Lovi Poe, Nahuhulog na raw ang loob kay Benjamin Alves

BALITA ngayon sa set ng Guni-Guni ng Regal Films na nahuhulog na raw ang loob ni Lovi Poe sa baguhang actor na si Benjamin Alves na kabilang sa Artist Center talent ng GMA 7. Magkatambal sa thriller ng Regal kaya sila nai -intriga.

Sabi ng source namin, panay ang padala ng pagkain ni Benjamin sa set ng Guni-Guni. Laging raw itong may pasa- lubong kay Lovi. Inalam talaga ng baguhang aktor ang mga paboritong pagkain ng sexy actress. At dahil nagda-diet ito, ang hilig kainin ng actress ay fruits, kasama na rin ang Japananese food, particularly ang sushi.

Nagkakasundo rin sina Lovi at Benjamin dahil na rin sa mga binabasa nilang mga pocket books.  Hilig ni lalaki ang magbasa na tulad ni Lovi. Si Benjamin ay graduate ng AB Literature course sa Guam na may honor na Magna Cum Laude. Si Lovi naman ay kahihinto lang ng course niya sa Business Administration kaya kung mag-usap nga sila sa set na dalawa ay English language ang gamit.

Di naman daw totoo na may relasyon sina Lovi at Jake Cuenca kaya pudede pa ring ligawan siya ni Benjamin. (Ganuned? Hahahahahahahaha! – Ed)

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply