Lovi Poe napapagod na sa pag-ibig

NILINAW ni Lovi Poe na walang anumang namamagitan sa kanila ni Jake Cuenca kundi friendship.

Matagal nang nali-link ang dalawa na nagsimula habang ginagawa nila ang My Neighbor’s Wife at maging date ng
aktor sa Star Magic Ball that year.

Nagkataon pang magkapitbahay sila sa condo kaya lalong umingay ang tsismis na may relasyon nga ang dalawa.

Pero say ni Lovi sa presscon ng latest horror film niya under Regal Films na Guni-Guni, pahinga muna siya sa pag-ibig at mas gusto niyang mahalin muna ang sarili.

Anya, tapos na ang mga kabaliwan niya.

“I did a lot of things for love. Hindi naman sa nabaliw, but then, I just gave a lot. Kahit hindi maganda yung nababalik sa akin. ’Yun lang naman ’yun.”

Pero hindi naman daw niya pinagsisisihan lahat ng nagawa niya for love.

“Marami akong natutunan do’n and for you to actually learn from something, you get really hurt, I guess.”

Pero pwede ulit siyang mabaliw sa pag-ibig kung makikita niya talaga ang taong mamahalin ulit?

“Maybe. Because we always say naman na we won’t fall in love this way but everytime, it’s exactly the same.”

Dahil nga magkapitbahay sila sa condo, parating natsitsismis na pumupunta siya sa unit ni Jake at hindi naman daw siya naaapektuhan sa intrigang ito dahil neighbors talaga sila.

Nangyayari raw na nagkakabisitahan sila sa condo ng isa’t isa pero grupo raw sila parati ’pag nangyayari ito.

Kasama niya ’yung friends nila at mga pinsan niya. Pero bihira naman daw mangyari ito since pareho silang busy. Mas madalas, nagkikita lang sila sa lobby accidentally.

Ibinuking ng producer na si Roselle Monteverde na marami raw nanliligaw ngayon kay Lovi at pumupunta ang mga ito sa set pero hindi na niya ni-reveal kung sinu-sino.

Nang tanungin namin si Lovi, say niya, “Basta happy naman ako dahil may mga sweet na tao na nagpapadala ng food, mga ganyan.”

Sa ngayon, nag-e-enjoy lang daw siya being single at happy naman daw siya.

Samantala, Lovi is being considered now as the new Horror Princess dahil na rin sa sunud-sunod na horror films na ginawa niya.

Una ay ang Shake, Rattle & Roll IX, White House, Aswang at ito ngang Guni-Guni. May ginagawa rin siya ngayon with Dingdong Dantes, ang Aswang Tiktik.

Dito sa Guni-Guni, kakaibang horror film daw ang mapapanood ng mga tao at ginagawa pa lang daw nila ito ay natatakot na sila mismo.

In this movie, she plays a medical student na may sikreto sa pagkatao. May tema ng abortion ang pelikula mulasa direksyon ni Tara Illenberger.

Vehnee Saturno Music Training Center nakakasa na

AT least, di talaga trying hard ang promo ng bagong music training center na itinayo nina Vehnee Saturno at ng
partner niya si Ladine Roxas.

Ladine used to be in the mainstream bilang isang magaling na singer na co-host sa program ni Kuya Germs.

It is only now, we came to know, na alaga pala siya noon pa man ni Vehnee, the reason why they are business partners now.
If there is something more in their relationship, we are not touching on it at this point.

Like we say, ang ganda ng dating ng promo nila. They invited their friends, from musicians to executives at

press para salihan ang blessing ng kanilang bagong lugar na nasa Brixton Hill cor, Palanza sa Barangay Santol, Quezon City.

Tama yung description ng dalawa sa kanilang lugar, spacious, kumpleto sa facilities para sa mga nagte-training sa nasabing institution.

Yes, may mga trainees ang dalawa na pawang mga magagaling kumanta. Nag-sample ang mga trainees nila at talaga namang nakamamangha na sobrang galing nila.

“Exactly, we would like to discover talents kaya kami nagpursige,” sabi nina Vehnee at Ladine sa amin. Itong mga batang tinuturuan namin, are prospective big names at ang aming responsibilidad ay i-train sila nang tamang discipline,” sabi pa ni Ladine.

And yes, sa galing nga ng kanilang mga estudyante, may balak silang isali ang mga ito sa mga artista searches ng ibang networks. “Sayang naman, palaban talaga sila!”

Bukod nga pala sa mga training, ino-offer din nila’ng kanilang mga facilities para sa sino mang gustong gumamit. Pwede raw silang magpa-recording, magpa-rehearse at iba pang serbisyo. Competitive raw sila sa presyuhan at di patatalo sa mga andiyan na in the same industry.

“We would like to be in the industry, sana tulungan n’yo kaming i-promote ang aming lugar,” sabi pa nina Vehnee at Ladine.

So there!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply