LPA binabantayan ng PAGASA; inaasahang papasok sa bansa

POSIBLENG pumasok na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang low pressure area (LPA) na namataan sa karagatang Pasipiko na binabantayan ngayon ng PAGASA.

Sa pinakahuling ulat ng PAGASA, tinatayang nasa 130 kilometro ang layo ng LPA mula sa pagitan ng PAR kaya’t malaki ang posibilidad na pumasok na ito sa karagatang sakop ng Pilipinas mamayang gabi o bukas ng umaga.

Kumikilos  ang naturang LPA sa direksyon ng hilagang kanluran. Inaasahan namang  hindi na tatama sa kalupaan ng Pilipinas ang naturang LPA ngunit asahang magdudulot ito ng mga pag-ulan sa susunod na linggo dahil pa rin sa lakas ng puwersa ng Hanging Habagat.

Kapag naging ganap na bagyo ang naturang LPA, tatawagin itong bagyong Helen.

Ayon pa rin sa PAGASA, inaasahan pa rin ang mga kalat-kalat na pag-ulan lalo’t patuloy na umiiral ang Habagat sa Central at Northern Luzon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply