LPA papalapit: Flashflood, landslides nagbabanta sa Kanlurang Luzon

NAGBABANTA pa rin ang flashfloods at landslides sa kanlurang bahagi ng Luzon, habang papalapit pa lamang ang isang potensyal na bagyo sa teritoryo ng Pilipinas, ayon sa ulat kaninang umaga.

Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na makaaasa ang Metro Manila ng biglaang malakas na pagbuhos ng ulan anomang oras ngayong araw sanhi ng southwest monsoon o hanging habagat.

“Makakaranas tayo biglang paglakas ng ulan tapos mawawala,” pahayag ni PAGASA forecaster Fernando Cada sa isang panayam.

Asahan aniya na makararanas ang Luzon at Western Visayas nang maulap na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog, habang ang Mindanao naman ay magiging maulap din na may isolated rain showers at thunderstorms.

Sa kabilang dako, sinabi ni Cada na patuloy nilang mino-monitor ang isang low-pressure area, na papangalanang “Helen” kapag naging ganap na bagyo sa loob ng Philippine territory.

Habang sinasabi ng PAGASA na ang papalapit na weather system ay isang low-pressure area, tinukoy naman ito ng Japan Meteorological Agency na isang tropical depression.

Sinabi ni Cada na ang pagkilos ng LPA ay naiimpluwensyahan ng isang tropical storm na malapit sa Southern Japan na may internationally codenamed na “Haikui.”

Sinabi ng PAGASA na ang LPA ay tinatayang nasa layong 1,170 km silangan ng Northern Luzon. Idinagdag din na ang southwest monsoon ang nakaaapekto sa Luzon at Western Visayas.

“Luzon and Visayas will have mostly cloudy skies with scattered rain showers and thunderstorms becoming cloudy with widespread rain over the western section of Luzon which may trigger flash floods and landslides,” it said in its 5 a.m. bulletin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply