LPG retailers binalaan ng DoE

MARIING binalaan ng Department of Energy ang mga maninida ng liquefied petroleum gas (LPG) laban sa pagtataas ng presyo ng kanilang produkto lalo na noong kasagsagan ng malakas na pag-uulan at pagbaha nitong nakalipas na araw .

Dahil dito, nanawagan ang DOE sa publiko na ireport sa kanila ang mga tindahan na nagbebenta ng kanilang LPG ng mahigit sa halagang P700 kada 11 kilogram na tangke ng LPG at itawag sa kanilang hotline number 8402184.

Ayon sa DoE, ang tindahan na mahuhuli na nagbebenta ng labis labis sa itinakdang presyo ay pagmumultahin ng halagang P10,000, maliban pa sa kasong criminal laban sa mga ito.

Aniya, nakasaad sa batas na ang overpricing ng produktong petrolyo kabilang ang LPG ay labag sa regulasyon.

Nauna rito, may panibago, aniyang, bantang pagtaas ng produktong LPG ngayong Agosto bunsod ng problema sa supply dahil nahihirapan umanong dumaong sa pantalan ng Bataan ang shipment na manggagaling pa sa abroad.

Ayon pa sa DOE, sapat ang supply ng LPG sa bansa kabilang sa Metro Manila at karatig probinsiya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply