LPG tank sumabog, 10 sugatan

SUGATAN ang 10 katao matapos sumabog ang tangke ng LPG na ginagamit sa taxi sa Sitio Paglaom, V. Rama, Barangay Calamba,  Cebu kaninang hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Kimberly Lavistre, 4; Angel Montemayor, 5; Bianca Rama, 8; Junrey Douglas, Cristina Lavistre, Carlito Tampon, Germinia Templor, 26; Nico Templor, 7, at Christina Sayong, 22 dahil sa mga paso sa katawan.

Nabatid na ibebenta na sana ang nasabing LPG tank nang sumabog ito.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng awtoridad upang malaman kung sino ang dapat na mananagot sa nasabing insidente.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply